TUGUEGARAO CITY-Idineklara ng Malakanyang na special non-working day ang lungsod ng Tuguegarao, bukas, Disyembre 18, 2020.
Batay sa inilabas na proclamation no. 1062 na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea,ito ay bilang selebrayson ng ika-21 taon na pagiging syudad ng Tuguegarao.
Nakasaad sa naturang proklamasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na ito’y ipagdiwang.
Ngunit, kanyang pinayuhan ang lahat na obserbahan pa rin ang social distancing maging ang pagsusuot ng face mask at face shield sa pagdaraos ng anumang aktibidad.
Matatandaan, naging component city ang Tuguegarao matapos ang isinagawang plebesito noong Disyembre 18, 1999 kung saan si dating 3rd district Congressman Randolph “Randy” Ting ang unang naging alkalde ng maging syudad ang Tuguegarao.