Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa special permits para sa Public Utility Vehicles (PUVs).
Ito’y bilang paghahanda sa pagdagsa ng pasahero sa loob at sa labas ng Metro Manila sa holiday season.
Sa inilabas na pahayag ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, una nang nagsimula ang aplikasyon para sa special permits para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) noong nakaraang linggo kung saan nasa 5,000 ang naaprubahan.
Pero sa mga PUV, bubuksan ang aplikasyon sa December 15 at ang special permit ay magagamit mula December 20 hanggang January 4, 2025.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang lahat ng mga pasahero partikular ang mga babiyahe para ngayong bakasyon na planuhing maigi ang biyahe at maging mapagmatyag para sa kaligtasan at maayos na biyahe.