Naging tourist attraction ang puno na hinati sa gitna sa Sheffield, South Yorkshire.
Hinati sa gitna ng mag-asawa ang puno dahil sa kanilang hindi pagakakaunawaan sa kanilang kapitbahay.
Inirerekomenda sa mga bisita sa Sheffield na isama sa kanilang bisitahin ang puno.
Umani din ito ng magagandang reviews ang lokasyon ng puno at sinasabi ng mga nakakita dito na magandang bisitahin ang lugar dahil sa kakaibang kuwento nito.
Nagsimula ang kuwento noong 2021 nang magalit si Bharat Ministry matapos bawasan ng mag-asawa na sina Irene at Graham Lee ang mga sanga ng 16 na talampakan na puno na nakatayo sa labas ng kanilang bahay sa loob ng 25 years.
Ginawa ng mag-asawang Lee ang pagputol sa mga sanga ng puno kasunod ng isang taon na nilang hindi pagkakaunawaan.
Sinabi ni Ministry na galit umano ang mag-asawang Lee dahil sa namumugad ang mga ibon sa puno at sinisira umano ang kanilang driveway dahil sa mga ipot ng mga ibon.
Nananatiling nakatayo ang puno at marami ang bumibisita sa lugar para tignan ang nasabing puno.