Ngayong araw ay muli na naman nating ginugunita ang “Araw ng Kagitingan”, ang araw na para sa mga Pilipino at Amerikanong nagsanib pwersa noong World War II para ipagtanggol ang demokrasiya laban sa mga hapon.

Ang araw ng kagitingan o kilala rin bilang Araw ng Bataan ay bahagi na ng ating kasaysayan na mayroong napakalaking parte sa anumang tinatamasa natin ngayon sa ating henerasyon.

Ika-9 ng Abril taong 1942, taliwas sa utos ni Heneral Douglas MacArthur ay isinuko ni Komandante Heneral Edward P. King, Jr., pinuno ng puwersa ng Luzon sa Bataan, ang mahigit 70,000, nagugutom at nagkakasakit na mga sundalo sa tropang Hapones.

Vc specialTunay na kalunos-lunos ang sinapit ng mga sundalong kapwa natin Pilipino at gayundin ang mga sundalong Amerikano sa kamay ng mga hapones.

Ang Death March o ang Bataan day ay isang katibayan kung paano pinatunayan ng mga sundalo ang kanilang pagmamahal sa bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Kung binigyan lang sila ng patas na laban ay siguradong hindi magagawa ng mga hapones noon ang karumal-dumal nilang pagpapahirap sa mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Nagsakripisyo ang mga sundalo alang-alang sa bayan kung saan tiniis nila ang mga pasakit sa ilalim ng tirik na araw.

Bukod sa libo-libong namatay sa gutom ay marami rin ang mga namatay dahil sa pagod, matinding sugat at binaril ang mga nagtangkang tumakas

Hindi madali, kaya huwag sanang hayaan na masayang ang pangyayaring ito na nagmarka sa ating kasaysayan.

Huwag na sana tayong maging parte ng mga labanan o giyera na hindi matatawaran.

Ngayong taon ay atin nang ginugunita ang ika-77 ng Kagitingan na may temang “Sakripisyo ng Beterano ay Gunitain, Gawing Tanglaw ng Kabataan Tungo sa Kaunlaran” na susundan ng iba’t-ibang programa sa buong bansa.

Sa bisa ng Executive Order No. 203, s.11986, ang April 9 ay inilaan bilang Araw ng Kagitingan upang bigyang parangal ang mga Filipino na nagsilbi at nagtanggol sa Pilipinas sa panahon ng giyera at kapayapaan.

Alinsunod naman sa Proclamation No. 466, s. 1989, ang Philippine Veterans Week ay layong magtaguyod, pangalagaan at gunitain ang mga prinsipyo at mabubuting halimbawa ng mga war veterans upang mapalawig ang nasyonalismo o pagmamahal sa bayan.

Lumipas man ang maraming taon nawa’y huwag nating makalimutan na bahagi ng kalayaang ating tinatamasa ay bunga nang pakikipaglaban ng ating makikiting na mga sundalo.