Nakatakdang maglabas ng Memorandum Order ang Department of Information and Communications Technology o DICT upang matigil ng mga guro ang paggamit ng social media sa pagbibigay ng mga proyekto at takdang-aralin sa mga estudyante.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Asst. Secretary Allan Cabanlong ng DICT, sinabi niya na ito ay hindi magkasalungat sa kanilang programa na Free WIFI dahil ito ay magagamit bilang suporta sa mga estudyante para sa kanilang pag- aaral habang ang nais lamang ay hindi sana gawin ng mga guro at mag- aaral ang pagagamit ng social media bilang paraan ng pagbibigay ng proyekto kung saan mas maganda pa rin umano ang nakaugalian na sa loob ng paaralan ibinibigay ang mga takdang aralin.

Base sa mga pahayag ng ilang mga magulang sa ahensya, ginagawa umano kasi ng ilang mga guro ito kung kayat nagreresulta sa pagbabad ng mga bata sa internet at hindi na nagagawa ng maayos ang kanilang mga proyekto o assignment.

Una nang nagbigay ng pahayag si Information Technolohy Officer Gen Macalinao kaugnay dito dahil ito umano ang resulta sa consultation sa mga magulang kung kayat ginagawa na ang memorandum order para matigil na ito.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nagsimula ang planong ito nang makatanggap ng reklamo ang ahensya sa mga magulang na ang ilang guro umano ay ginagamit ang social media partikular ang group chat sa messenger para maibigay sa mga estudyante ang kanilang magiging class project at assignments.

tinig ni Cabanlong

Samantala,sang-ayon naman ang Department of Education Region 2 sa nais na ito ng DICT.

Sinabi ni Ferdinand Narciso ng DepEd Region 2, maganda ang planong ito ng DICT ngunit dapat din umanong isaalang-alang na ang paggamit ng teknolohiya tulad ng internet o social media ay may positibo at negatibong epekto.

Aniya, bagamat maganda ang layunin ay mayroon din naman umanong bentahe ito sa mga guro na siya ding gagamitin ng mga mag-aaral sa kanilang research sa social media.

Hindi naman umano nasasaklawan pa o nakikita ang galaw ng mga mag-aaral kung hindi sila kasama kung kaya dapat talagang dapat magabayan sila upang ang positibong epekto lamang ang kanilang makukuha sa paggamit ng internet.

tinig ni Narciso

Samantala, nakikita naman umano na sa pamamagitan ng ginagawang ito ng ilang guro ay napapadali ang mga mag-aaral sa kanilang mga gawain dahil hindi na nila kokopyahin pa ang mga nakasulat sa blackboard para sa kanilang assignment kundi diretso sa social media.

Pagkatataon na rin umano ito para iigting pa ang samahan ng mga magulang ay mga bata dahil magagabayan naman sila ng mga magulang.

Kinakailangan lang umanong timbangin ang mga ginagawang upang mangibabaw ang positibo sa paggamit ng social media tulad ng pamimigay ng limitasyon sa mga bata.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo sa ilang mga estudyante, sinabi nila na malaking tulong sa kanilang pag-aaral ang group chat na kinabibilangan ng kanilang mga kaklase maging ang kanilang guro.

Napapadali umano ang kanilang gawain dahil hindi na nila kinakailngang kopyahin pa ito sa kanilang klase para maidetalye ang mga dapat na gawin.

Malaking tulong din umano ito para sa mga guro dahil kung may mga makalimutan sa instructions ay maari lamang na idagdag umano sa group chat.

Inihalimbawa din nila na kung sakaling lumiban ang kanilang kaklase ay maari lamang siyang magtanong sa kung ano ang napag-aralan sa klase at tutulong naman dito ang sila maging ang kanilang guro upang hindi mapag-iwanan sa mga tinatalakay sa loob ng paaralan.

Ngunit sa kabila ng magandang dulot nito, aminado rin ang mga ito na minsan ay walang kaugnayan ang sa pag-aaral ang kanilang pinag-uusapan.

Kung ano-ano umanong topic na viral sa social media ang kanilang binibigyan ng pansin na kung minsan ay hindi nasisita ng mga guro dahil hindi naman palagian ang kanyang pag-online.

Ito na ngayon ang nagiging epekto ng makabangong teknolohiya ngunit hindi ito ibig saihin na nagdudulot lang ng negatibong epekto kundi napapakinabangan din ng mga estudyante kung kayat isa sa solusyon dito ay ang tamang gabay mula sa mga guro at magulang upang magamit ng maayos ang social media at sa pamamagitan ng inaasahang paglabas ng memorandum order para dito ay hindi sana maapektuhan ang mga magagandang hatid nito sa mga mag aaral.