Walang umanong nakikitang dahilan si Senate President Francis “Chiz” Escudero para magdaos ng special session sa pagsasagawa ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Senate President, walang legal na basehan para mag-convene ang Senado at Kamara para sa impeachment trial.

Kasalukuyan kasing naka-session break ang Kongreso.

Ani Escudero, ayon sa Konstitusyon, ang special sessions ay para lamang sa mahahalagang legislative exercise.

Tinukoy din niya ang legal na mga proseso sa pagsasagawa ng aktwal na trial.

-- ADVERTISEMENT --

Dapat umanong makatanggap ng magkakaparehong pagtrato ang lahat ng impeachable officials.

Sa kabila nito, iginiit ni Escudero na hahawakan ng Senado ang impeachment case laban kay Duterte nang naaayon sa due process at hindi ito mamadaliin.

Samantala, sinabi ni Senator Joel Villanueva na papayag lamang siya na magsimula ang impeachment proceedings kung mayorya ng mga senador ang humiling ng special session.