Nakatakdang i-sponsor sa Lunes, May 11, ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Representative Gerville Luistro ang committee report at Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Luistro, tatalakayin sa kanyang sponsorship speech ang mga naging pagdinig ng komite, kabilang ang mga ebidensyang iniharap ng mga complainant at ang umano’y kawalan ng tugon ng Bise Presidente sa mga alegasyon.

Matapos ang sponsorship, maaari namang magtanong o magpahayag ng suporta o pagtutol ang mga miyembro ng Kamara.

Kailangan ng hindi bababa sa 106 boto upang maipadala sa Senado ang Articles of Impeachment para sa impeachment trial.