Hinangaan ni Enrile Mayor Miguel Decena, Jr ang rehabilitation program ng pambansang pulisya kaugnay sa mga nagsisuko sa oplan tokhang.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na Sports Disaster Olympics sa mga tokhang responders mula sa 3rd district ng lalawigan na ginanap sa bayan ng Enrile, sinabi ni Mayor Decena na nagpapakita lamang ito na seryoso ang PNP na sugpuin ang iligal na droga.
Partikular na pinuri ni Decena ang drug rehabilitation at treatment sa mga tinaguriang “pag-asa” upang maiiwas ang mga ito na bumalik sa dating bisyo at maging kapaki-pakinabang sa lipunan.
Bukod dito, magiging bahagi ang ilan sa mga tokhang responders sa disaster response sa kanilang mga bayan.