TUGUEGARAO CITY- Ipinaalala ng Sugar Regulatory Administration Region 2 na may pautang ang ahensiya para sa mga magtutubo na ang kanilang tubuhan ay hindi tataas ng 10 ektarya.

Sinabi ni John Paul Rico ng SRA Region 2 na ang kanilang pautang ay sa ilalim ng Socialized Credit Program ng ahensiya na ang layunin maparami ang produksion at lumaki din ang kita ng mga sugarcane farmers.

Ayon kay Rico na maging ang mga nakikisaka lamang ay kualipikado rin sa nasabing loan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Rico na kailangan lamang na makatugon sa mga requirements para makakuha ng nasabing loan na mula P60,000 hanggang P600,000.

Tiniyak ni Rico na mababa lamang ang interest ng nasabing loan na 2 percent per annum na babayaran sa loob ng 18 buwan.

Sinabi ng opisyal na sa ngayon ay may 44 applications na sa Cagayan para sa nasabing loan.

ang tinig ni Rico