
Naghahanda ang Social Security System (SSS) ng mas malaking mga programa para sa 2026, kabilang ang pagtaas ng pension, microloan program, at tuloy-tuloy na emergency loan support at iba pang expansion initiatives.
Sa 2026 outlook, inilatag ng SSS ang kanilang mga plano para sa susunod na taon, kung saan ang kanilang hangarin ay mapahusay ang kanilang servicing platforms.
Kabilang sa mga programa ng SSS ay ang second tranche ng Pension Reform Program, na magtataas sa pensions sa lahat ng retirees sa September 2026.
Una rito, nagpatupad ang SSS ng 10-percent increase sa retirement at disability pensions, habang 5-percent naman ang natanggap ng survivorship pensioners.
Ang unang pension increase ay susundan ng isa pang adjustment sa 2027.
Sa pagtatapos ng 2025 hanggang 2027, ang dagdag sa retirement at disability pensioners ay aabot sa 33 percent, habang 16 percent naman sa survivorship pensioners.
Nakatakda ring ipatupad ng SSS ang kanilang bagong inaprobahan na microloan program sa unang bahagi ng 2026, kung saan maaaring mag-loan ang pensioners para sa short-term needs na may 15 hanggang 90-day tenor na may interest rate na 8 percent per annum o 0.67 percent per month.







