TUGUEGARAO CITY- Mariing pinabulaanan ng Social Ssecurity System na magbibigay ito ng P50,000 sa kanilang mga miembro.
Sinabi ni Janet Canilas, branch head ng SSS Tuguegarao na fake news ang kumakalat sa social media na magbibigay ang ahensiya ng nasabing halaga.
Ayon sa kanya, hindi ginagawa ng SSS sa social media ang mga mahahalagang anunsiyo.
Samantala, sinabi ni Canilas na kasalukuyan ngayong araw ang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng SSS.
Sinabi ng opisyal na magkakaroon ng konting salo-salo sa lahat ng sangay ng SSS sa buong bansa at medical mission sa ilang lugar na may medical doctors.
Magbibigay din sila ng recognition sa mga model employer o ang mga negosyante na sumusunod sa mga patakaran ng SSS.
Kasabay nito, nagbabala si Canilas sa mga deliquent employers o ang mga hindi nagreremit ng SSS contributions ng kanilang mga employees na sila ay maharap sa kaukulang kaso.