Ipatutupad na ng Social Security System ang paggamit ng Payment Reference Number o PRN sa lahat ng kanilang mga miyembro na kasalukuyang nag-avail ng housing loan.

Layon nito na maging mabilis ang pagpoproseso ng kanilang mga bayad.

Sa isang pahayag, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ang hakbang na ito ay para sa kanilang paglipat sa Real-Time Processing of Loans.

Real time din aniya na maipopost ang bayad ng mga baroovwer sa kanilang account.

Ayon sa SSS, ang PRN ay itinuturing na system-generated numbers at ito ay tumutukoy sa mismong billing statement ng borrower.

-- ADVERTISEMENT --

Bawat borrower ay nakatatanggap nito tuwing ika sampung araw sa pamamagitan ng kanilang mga registered email address at mobile number.

Mas mainam rin aniya na laging update ang kanilang mga contact details para hindi magka aberya.