Nagsasagawa na rin ng assessment ang Social Security System (SSS) sa kanilang mga miyembro na biktima ng dalawang malakas na lindol sa Itbayat, Batanes.

Tiniyak ni Porfirio Balatico, vice president for Northern Luzon ng SSS na makakatanggap ng “disability” at “sickness” benefits ang mga miyembro nito, depende sa tinamong pinsala.

Dagdag pa ng opisyal, otomatikong matatanggap ng mga namatay na miyembro ang P20,000 na burial assistance.

Samantala umaabot sa kabuuang 76 na pamilya ng Overseas Filipino Worker (OFW) na apektado sa naturang kalamidad ang tutulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Matatandaan na siyam ang naitalang namatay habang 63 ang nasugatan sa tumamang lindol sa Batanes nitong Sabado ng umaga.

-- ADVERTISEMENT --