Binisita ng Social secutiy service Tuguegarao branch ang 11 employers sa Tabuk City na hindi nagbabayad ng kanilang kontribusyon bilang bahagi ng programa ng SSS na Run After Contribution Evaders (RACE).
Ang mga nasabing employers ay may kabuuang utang na higit sa P3.2 milyon sa kontribusyon at penalties, na may 67 na apektadong empleyado.
Ayon kay Guadalupe Castillo, pinuno ng SSS-Tuguegarao branch na siya ring namuno sa aktibidad na binigyan ng abiso ang mga nasabing employer na bayaran ang kanilang obligasyon sa loob ng 15 araw upang makaiwas sa pagharap sa ligal na proseso.
Bilang resulta ng aktibidad, dalawa sa 11 employers ang nagbayad ng buo ng kontribusyon at penalties na umabot sa higit P100, 000.
Ang Run After Contribution Evaders (RACE) ng SSS sa buong bansa ay isinasagawa upang matiyak na sumusunod ang mga employers sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.