health standards kasabay ng pagsisimula ng simbang gabi
Tiniyak ng St, Peter Metropolitan Cathedral sa Tuguegarao City na hindi ipagwawalang bahala ang mga kinakailangang pag-iingat kontra COVID-19, kasabay ng pagsisimula ng Simbang Gabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Fr. Bernard Corpus, parish priest na walang magiging major adjustment ang simbahan sa loob ng siyam na araw na simbang gabi at mananatili ang pagpapaalala sa mga tao na sundin ang health protocols.
Tinatayang nasa 400 katao na katumbas ng 70% ng kabuuang kapasidad ng simbahan ang papayagang makapasok sa loob habang maaari namang makinig ng misa sa labas o compound ng simbahan.
Itoy bilang pagtitiyak na mas usunod ang physical distancing lalo at nakapasok na sa Pilipinas ang pinangangambahang Omicron variant.
Dagdag pa ni Fr. Corpus na may mga pulis at volunteers na magbabantay sa palibot ng simbahan para magbigay ng paalala sa mga dadalo sa banal na misa.
VC CORPUS DEC 16
Samantala, may mga misa ring isasagawa sa mga Barangay na layong mabawasan ang bilang ng mga pupunta sa Cathedral