Pormal nang idineklara ng PDEA Region 02 bilang Drug Cleared Municipality ang bayan ng Sta. Ana sa lalawigan ng Cagayan.

Pinangunahan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Emerson Rosales ang deklarasyon na dumaan sa masusing balidasyon ng ahensiya, PNP at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sakop ng validation ang 16 na barangay kung saan 11 dito ang apektado ng droga habang 5 naman ang hindi apektado sa usapin ng droga.

Kinilala ito bilang ika-anim na bayan sa lalawigan na drug cleared, sunod sa mga bayan ng Sta. Teresita, Sta Praxedes, Rizal, Calayan Island at Allacapan na malinis na sa usapin ng droga.