TUGUEGARAO CITY- Walang nadamay na mga Pinoy sa nangyaring stabbing incident sa isang train sa Japan kagabi.

Sinabi ni Myles Briones Beltran, Bombo News International Correspondent sa Japan na wala namang iniulat na Pinoy na kasama sa mga nasugatan sa pananaksak ni Kyota Hattori sa Keio Line Train 8:00 kagabi.

Ayon Beltran, hindi pinansin ng mga pasahehro ang lalaki na 24 years old na naka-costume ng Joker, ang kontrabida sa pelikulang Batman dahil sa inakalang prank ito dahil sa Halloween.

Bukod sa kanyang costume ay may hawak din itong kutsilyo na may bahid ng dugo na inakala din ng mga pasahero na ito ay hindi totoo.

Nagpanic na ang mga pasahero ng simulan ng lalaki na sindihan ang mga ikinalat niyang lighter fluid at sinaksak sa dibdib ang isang 70 years old na lalaki na nasa critical condition habang slight injuries ang 16 iba pa, ang iba ay dahil sa smoke inhilation

-- ADVERTISEMENT --

Nang makarating sa ang train sa isang station ay binuksan ng mga pasahero ang mga bintana para makalabas.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad sa suspect, sinabi niya na nais niyang mapatawan ng death penalty at mangyayari lamang ito kung may mapapatay siya na mahigit dalawang katao.

Sa ngayon, sinabi ni Beltran na balik sa normal na ang sitwasyon sa Japan at balik na sila sa kanilang mga trabaho dahil sa hindi holiday ang November 1 sa Japan bagamat marami rin ang nakikiisa sa mga Holloween parties at may kanya-kanyang costume.

Karamihan sa mga pasahero ng train ay papunta sa Tokyo para sana sa Holloween.