Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang programang science and technology academic and research-based openly kiosk station o starbooks sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon kay Crystal Joy Tayab ng DOST cordillera, ang nasabing proyekto ay bahagi ng science for the people program na naglalayong mabigyan ng access ang mga estudyante lalo na ang mga nasa malalayong lugar na nagsasaliksik sa math at science.

Nabatid na 21 eskuwelahan sa probinsiya ng kalinga ang benepisyaryo ng proyekto para makamit ang adhikain na maisulong ang science and technology sa mga mag-aaral lalo na sa mga liblib na lugar na limitado ang access sa library.

Ang starbook ay isang digital library na nagsisilbing one stop repository ng science and technology information.

Nabatid na kahit walang internet connection ay maaaring maka-access ng impormasyon sa starbook kung kayat akma ang proyektong ito sa mga malalayong lugar kung saan sinimulan ito sa ibat ibang eskuwelahan sa rehiyong cordillera nuong 2011.

-- ADVERTISEMENT --