Iginiit ng isang militanteng mambabatas na huwag ipagkatiwala ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa ilang mapagsamantalang negosyo ng mga pribadong ospital.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na kailangang baguhin ang sistema sa naturang insurance corporation kasunod ng anomalya sa ‘ghost kidney patients’ na binabayaran ng nasabing ahensya sa isang private clinic.

Dagdag pa ng mambabatas na mahalagang masiguro na lehitimo ang lahat ng mga claims at hindi gawa-gawa lamang upang perahan ang korporasyon.

Hinimok rin ni Zarate ang gubyerno na dagdagan ang pondo sa public health services sa mga pampublikong ospital.

Kasabay nito, tiniyak ni Zarate ang paghahain ng resolusyon upang imbestigahan ang kaso ng umanoy korupsyon sa loob ng PhilHealth sa pagbubukas ng 18th Congress sa buwan ng Hulyo.

-- ADVERTISEMENT --

Isa si Zarate sa mga naghain ng libreng dialysis para sa mga mahihirap na pasyente na naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.