Idineklara na ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan kanina ang state of calamity dahil sa banta ng covid-19.

Sinabi ni Mamba na ang state of calamit declaration ay bilang tugon sa lumalalang kaso ng covid 19 at para magamit ng lalawigan maging ng mga barangay ang kanilang calamity fund.

Ayon sa kanya, kailangan ang pondo para matulungan ang mga maaapektuhan sa banta ng virus lalo na sa pagkain.

Binigyan diin ni Mamba na kailangan ang kagyat na aksion para higit na matugunan ang banta ng virus kaya hindi na niya hinintay ang pag-apruba ng sangguniang panlalawigan para ideklara ang state of calamity.

-- ADVERTISEMENT --

Vc mamba

ang tinig ni Mamba

Kaugnay nito, muling umaapela ang gobernador sa lahat na kailangan ang kooperasyon upang maiwasan na makahawa ang mga posibleng carrier ng virus at para maiwasan na kumalat pa ang nasabing sakit.

Sinabi ni Mamba na kung walang importanteng lakad ay mas mabuting manatili na lamang sa mga tahanan dahil hindi natin alam kung sino ang mga posibleng may covid-19.