TUGEUGARAO CITY-Naipasa na ng Sanguniang Panlalawigan ng Batanes ang resolusyon na magdedeklara ng State of Calamity sa buong probinsiya ng Batanes dahil sa nangyaring magkasunod na lindol nitong madaling araw ng Sabado.
Ayon kay Board Member Milagros Juliet Abas ng Batanes, nakatakdang pipirmahan ang nasabing resolusyon ngayong araw.
Aniya, layon nitong mas mapabilis ang tulong na naipapaabot sa mga biktima ng lindol.
Samantala ,nagpasa rin ang bayan ng Itbayat, Batanes ng resolusyon na nagbibigay ng awtorisado kay Mayor Raul De Sagon na tumanggap ng cash at iba pang donasyon para sa mga biktima ng lindol.
Ayon kay Abas, bagamat may mga natatanggap na tulong ang mga apektado ng lindol, hindi parin umano ito sapat.
Aniya, hanggang sa ngayon ay nasa town plaza pa ang mga mamamayan kung saan pansamantalang gumagamit ng tent para sa kanilag pagtulog.
Dagdag pa ni Abas na ang mga pangunahing kailangan ng mga biktima ng lindol ay tent, gamot, inuming tubig at ready to eat na pagkain dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa sila maaaring bumalik sakanilang mga tahanan dahil sa banta ng aftershocks
Sa mga nais magbahagi ng kanilang tulong ay maaari lamang ideposit sa Landbank sa account ng Municipality Government of Itbayat na 1082-1011-40 o di kaya’y makipag ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer na si Milda Garcia sa numerong 09282862103.