Nasa ilalim na ng state of calamity ang lalawigan ng Cagayan bunsod ng malaking pinsala na iniwan ng super typhoon Nando.

Inaprobahan kanina ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon mula sa executive branch batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office na humihiling na isailalim sa state of calamity ang lalawigan.

Batay sa datos ng PDRRMO, sinalanta ni super typhoon Nando ang lahat ng 28 munisipalidad at Tuguegarao City, kung saan umaabot sa 190, 200 individuals o 570,100 families ang naapektohan.

Umaabot sa mahigit P655 million ang halaga ng pinsala na iniwan ni Nando.

Mahigit P398 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura, mula sa 37,576 hectares na nasirang mga pananim.

-- ADVERTISEMENT --

Umaabot naman sa 2, 867 na mangingisda ang naapektohan, kung saan 509 hectares ng fishpond ang napinsala, bukod pa sa mga nasirang 1,129 units ng fishing gears, at 427 na bangka.

Ang pinsala sa fisheries sector at mahigit P91 million.

Hindi rin nakaligtas ang ilang alagang mga hayop na umaabot sa P256,000 ang halaga ng pinsala.

Mahigit P164 million naman ang pinsala sa infrastructure na kinabibilangan ng mga kalsada, mga tulay, at public buildings.

Batay pa sa datos, 4,001 ang partially at totally damaged na mga bahay, at sa nasabing bilang 2, 616 ang totally damaged habang 38, 385 ang partially damaged.

Layunin ng derklarasyon ng state of calamity na mapabilis ang relief at rehabilitation efforts, makontrol ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan at mga serbisyo, para magamit ang calamity fund, at para mapadali ang international, national at local humanitarian assistance.