TUGUEGARAO CITY – Maglalagay ng isang state of the art na weighing sytem para sa mga sasakyan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Layon nito ayon kay Glen Miguel, hepe ng DPWH South district na mabatid kung overload ang mga dumadaang sasakyan sa lugar na nagiging sanhi ng pagbitak ng mga kalsada.

Batay sa datos ng PNP Nueva Vizcaya, pangunahing dahilan ng aksidente sa lansangan ang mga overloaded na sasakyan na nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa Diadi-Sta Fe area.

Sinabi ni Miguel na ilalagay ang truck weighing scale sa Barangay Darapidap, Aritao upang masuri ang bigat ng mga cargo trucks.

Kasabay nito sinabi ni Miguel na mahigpit itong ipatutupad ng Land Transportaion Office at papatawan ng multa ang mga overloaded na sasakyan.

-- ADVERTISEMENT --