Inihayag ni Helen Donato, head ng Provincial Social Welfare Development Office ng Cagayan na may ilan umano sa mga rebel returnee ang hindi na bumabalik o umaalis sa kanilang lugar dahil na rin sa takot o stigma ng ilan sa kanilang mga kababayan.

Sinabi ni Donato na ang iba ay pumupunta sa ibang lugar habang ang iba naman ay nangingibang bansa.

Ayon kay Donato, ginagamit ng mga nangingibang bansa ang ipinagkakaloob na P50,000 na livelihood assistance ng pamahalaang panlalawigan.

Kaugnay nito, sinabi ni Donato na buhat noong 2017 hanggang 2019 ay umabot sa 57 ang mga sumukong miembro ng rebeldeng grupo sa Cagayan at ang 27 dito ay nagtatrabaho na sa pamahalaang panlalawigan.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga sumuko ngayong taon ay ang isang katutubong menor de edad.

Samantala, sinabi naman ni Pcapt.Sharon Mallilin ng Cagayan Police Provincial Office na 14 na bayan na sa Cagayan ang nagpasa ng resolusyon na nagdedeklara sa mga NPA at mga progresibong grupo na “persona non grata”.