TUGUEGARAO CITY-Puspusan na ang paghahanda at pagsasaayos sa bahay silangan ng PNP-Sto niño para maideklarang drug cleared municipality ang bayan ng Sto niño sa nalalapit na panahon.

Ayon Pcapt Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP-Sto niño, ito’y matapos ideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na drug cleared ang natitirang limang barangay na apektado ng illegal na droga.

Aniya, tanging ang bahay silangan na lamang ang kanilang inaayos na isa sa mga kinakailangan para maideklarang drug cleared ang isang munisipyo.

Nakapagpasa na rin aniya ang sanguniang bayan ng Sto niño ng resolusyon sa pagkakadeklara bilang drug cleared municipality.

Bukas, Pebrero 27, 2020 ay magkakaroon ng regional oversight committee meeting ang PDEA-Region 2 para sa evaluation ng Sto niño para maideklarang drug cleared municipality.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, umaaasa si Gabatin na wala nang magiging hadlang sa nalalapit na pagkadeklara bilang drug cleared ng kanyang nasasakupang lugar .

Nabatid na mula sa 37 kabuuang barangay ng Sto niño, pito dito ang apektado ng illegal na droga kung saan unang naideklara ang dalawang barangay noong nakaraang taon sunod ang lima ngayong taon.

Tinig ni Pcapt Ranulfo Gabatin