Hindi tamang pagtapon ng upos ng sigarilyo ang tinitingnan anggulo ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagsimulan ng sunog sa isang storage room ng mga tela sa bayan ng Lal-lo.
Ayon kay FO2 Irene Tomas ng BFP-Lal-lo, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang sunog sa bahay ng negosyanteng si Ricky Siriban sa Brgy Centro.
Agad namang naapula ang apoy kung saan tinatayang nasa P30K ang halaga ng pinsala ng sunog gaya ng mga telang ginagamit sa pangtahi ng mga jersey, at mga tarpaulins.
Hinala naman ng may-ari na ang hindi tamang pagtatapon ng upos ng sigarilyo ang pinagmulan ng sunog kung saan madalas makita sa likurang bahagi nito ang kasambahay na naninigarilyo.
Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente na ikalawang sunog na sa naturang bayan ngayong taon.