
Pinapayuhan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Cagayan at iba pang kaukulang ahensiya ang mga nasa tabing-dagat o sa coastal areas sa posibleng storm surge dahil sa bagyong Crising.
Ayon sa pagtaya ng state weather bureau, posibleng magkaroon ng minimal hanggang moderate storm surge sa susunod na 48 hours.
Tinataya ang 1 hanggang 2 metro na taas ng storm surge sa mga sumusunod na lugar:
Cagayan:
Abulug
Aparri
Baggao
Ballesteros
Buguey
Calayan
Claveria
Gattaran
Gonzaga
Lal-lo
PAMPLONA
Peñablanca
Sanchez Mira
Santa Ana
Santa Teresita
Isabela:
Dinapigue
Divilacan
Maconacon
Palanan
Pinapayuhan ang mga residente sa mga nasabing lugar na manatiling alerto at lumikas kung kinakailangan, at kanselahin muna ang mga aktibidad sa karagatan para makaiwas sa anomang panganib.