Nailigtas ang isang Risso’s dolphin na na-stranded sa baybayin ng Barangay Pata East, Claveria, Cagayan kaninang umaga.

Nakita ng mga mangingisda ang dolphin o lumba-lumba habang sila ay nagdadaklis, na agad nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Rumesponde ang Municipal Agriculture Office sa tulong ng Philippine Maritime Police, Philippine Coast Guard, at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office upang isagawa ang rescue operation.

Dinala ang dolphin sa rehabilitation facility ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa pagsusuri at obserbasyon bago ito muling pakawalan sa karagatan.

Ang Risso’s dolphin ay may malaking katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Mas maputi ang kulay nito kumpara sa ibang dolphins at mabilis silang matukoy sa scratches sa kanilang katawan.

Mayroon din silang malaki na dorsal fin at ang kulay ng kanilang katawan ay nagbabago mula sa dark grey at halos puti habang sila ay tumatanda.

Nabubuhay ang Risso’s dolphins sa pagkain ng mga pusit at octopus, at sila ay nabubuhay ng hanggang 35 taon.