Naipasakamay na ng pulisya sa Philippine Coast Guard ang pinaniniwalaang black submersible drone na narekober sa dagat ng isang mangingisda sa Brgy. Macsidel, Calayan, Cagayan.
Ayon kay PMAJ Jose Cabaddu, Jr, hepe ng PNP-Calayan, ipinauubaya na nila sa PCG ang pagtukoy sa naturang bagay na may habang 12 talampakan at kung saang bansa ito galing.
Madaling araw nang nakita ito ng isang mangingsida nang lumutang ang dulong bahagi nito, 200 metro mula sa pampang na agad namang isinuko sa pulisya.
Sinbabi ni Cabaddu na nakatayong narekober sa dagat ang naturang gadget na walang markings kung saan nakalubog ang sensor o optical lens nito at hindi na gumagana ang propeler nito.
Kapareha aniya ito ng submersible drone na narekober noong July 2022 sa karagatang sakop ng Ilocos.
May posibilidad naman aniya na may kinalaman ang naturang underwater drone sa mga narekober na floating shabu sa Cagayan at Ilocos nitong mga nakaraang araw.