Tinutulan ng National Federation of Sugar Workers ang isinusulong ni Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na liberalisasyon ng asukal.

Ayon kay Butch Lozande, General Secretary ng naturang grupo na ang ang pagpapagaan sa patakaran sa pag-angkat ay papatay sa industriya ng asukal sa bansa tulad ng nangyayari sa mga rice farmers.

Ibinabala ni Lozande na tinatayang nasa 5 milyong Pilipino ang umaasa sa kita ng sugar industry ang magdurusa sakaling maipatupad ang mas matinding liberalisasyon.

Mungkahi ni Lozande sa pamahalaan na tugunan ang usapin ng ­manggagawa sa asukal at uipatupad ang Sugarcane Industry Development Act para mapalakas ang sugar industry.

Aniya, nakapaloob sa batas ang pag-upgrade sa mga teknolohiyang gamit ng mga magsasaka upang makasabay sa dekalidad na produksyon ng asukal sa ibang bansa tulad ng Thailand.

-- ADVERTISEMENT --

Isa pa sa mga dahilan kung bakit bumababa ang local production output ng asukal ay ang land-use convertion ng nasa 30-K hectares ng sugarland at ang patuloy na tumataas na cost of production sa bansa.