TUGUEGARAO CITY-Halos wala na umanong maaani ngayon ang mga magtutubo sa Cagayan dahil sa tagtuyot

Sinabi ni Richard Brikaquit,barangay chairman ng Sto.Domingo,Piat at 2018 Sugarcane Farmer of Year noong 2018 na hindi lumaki at halos wala nang katas ang mga tubo

Ayon sa kanya,naapektuhan ng bagyong “Ompong” nitong 2018 ang mga tubo kung saan dumapa ang mga ito na pinalala naman ng tagtuyot ngayong taon

Sinabi ni Brakit na umaasa sila na tutugunan ng Sugar Regulatory Administration ang kanilang sitwasyon matapos na bumisita sa ilang taniman ng tubo ang dalawang board members ng ahensiya

Samantala,nanawagan si Brakit sa mga magtutubo na huwag magsunog ng kanilang mga pananim at maging nga mga damo dahil marami sa mga hindi pa maaarinng anihin na mga tubo ang nadadamay o nasisira

-- ADVERTISEMENT --

Ipinaliwanag ni Brakit na kaya,sinusunog ng mga magsasaka ang mga tubo dahil sa walang umano silang makukuha na puputol sa mga ito dahil sa dumapa ang mga ito dahil bagyo nitong 2018

Sa ibang banda, sinabi ni Brakit na umaasa sila na tutugunan ng Sugar Regulatory Administration ang kanilang sitwasyon matapos na bumisita sa ilang taniman ng tubo ang dalawang board members ng ahensiya