Tinawag na “suicide homes” ang daang-daang gusali na matatagpuan sa gilid ng lupa na bangin sa El Alto, sa Bolivia dahil sa mataas na panganib ng mapaminsalang landslides.
Matatagpuan sa Avenida PanorĂ¡mica sa La Ceja, isa sa pinakaabalang commercial areas sa lungsod ng El Alto, nakakakuha ngayon ng atenisyon ang suicide homes dahil sa lokasyon ng mga gusali na nasa gilid ng bangin na mapanganib sa pagguho ng lupa.
Nitong mga nakalipas na linggo, nakaranas ng malalakas na pag-ulan sa kabisera ng Bolivia at sa iba pang lugar, na lalo pang nagpataas ng panganib ng landslides.
Subalit, tila hindi natatakot ang mga nakatira sa suicide homes, dahil karamihan sa kanila ay ayaw na umalis sa kanilang mga tirahan.
Ang mga nasabing gudali ay tirahan ng local shamans na kilalang yatiri at merchants na ayaw na iwan ang lugar ng kanilang mga negosyo kahit pa ito ang magbubunsod ng kanilang posibleng kamatayan.
Sinabi ng mga nakatira sa mga nasabing gusali na gagawa sila ng paraan upang hindi masalanta ng tubig-ulan ang kanilang lugar.
Subalit, ang pagpigil sa tubig para hindi tamaan ang bangin na lupa ay madali lamang sabihin, subalit mahirap gawin, at ayon sa mga lokal na awtoridad na posibleng anumang oras ay guguho ang bangin, kaya kailangan na ilikas ang mga nakatira sa nasabing lugar.
Ang mga bahay na gawa sa bricks at tinapalan ng corrugated iron, ang suicide homes ng El Alto ay napakahalaga sa yatiris at gagawin nila ang lahat upang manatili sila sa lugar.
May iba pang nagsabi na magsasagawa sila ng pag-aalay kay Pachamama, ang goddess ng indigenous people ng Andes.