Matapos ang matagumpay na rollout ng Rice-for-All program kung saan binebenta ang P40 per kilo na bigas, plano naman ng Department of Agriculture (DA) na magbenta ng mas mura pang bigas sa Kadiwa ng Pangulo sa Enero 2025.
Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra, magbebenta sila ng brown rice na tatawagin nilang ‘nutri rice’, sa halagang P38 bawat kilo.
Bukod dito, ibebenta rin nila ang ‘sulit rice” sa halagang P36 per kilo.
Ani Guevarra, ang sulit rice ay ‘super broken’ variety.
Ipinaliwanag ni Guevarra ‘nutri rice’ at ‘sulit rice’ ang pambungad ng DA sa Bagong Taon upang makabili ng murang bigas ang publiko.
-- ADVERTISEMENT --