Pinagtibay ng Korte Suprema ang constitutionality of the Bangsamoro Organic Law (BOL) subalit nagdesisyon na ang probinsiya ng Sulu ay hindi bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos na bumoto laban sa ratipikasyon ng batas.
Sinabi ni Supreme Court spokesperson Camille Ting na agad na ipatutupad ang nasabing desisyon.
Sa desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, pinagbigyan ng mataas na hukuman ang petisyon ng Sulu na hindi ito maisama sa BARMM sa gitna ng pagbasura sa mga hamon sa iba pang probisyon ng BOL.
Ipununto ni Leonen na dahil sa tinanggihan ng Bangsamoro Organic Law sa plebesito, hindi tama na isama ang probinsiya sa BARMM.
Kaugnay nito, marami sa BARMM ang nagulat sa desisyon ng Supreme Court na isinulat ni Leonen, na dating chief negotiator sa Moro Islamic Liberation Front.
Si Leonen ay kabilang sa key figyres sa negosasyon sa pagsusulong ng Framework Agreement sa Bangsamoro noong 2012 na nagpawalak sa Comprehensive Agreement sa Bangsamoro noong 2014.
Sinabi ni Mohd Asnin Pendatun, BARMM spokesperson, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng desisyon at maglalabas lamang sila ng pahayag pagkatapos ng kanilang pulong ngayong araw na ito.
Pinagtibay noong July 27, 2018, itinatag ang BARMM bilang political entity at ginawa ang kanilang basic governmental structure.
Ang paglikha sa rehion at sa territorial boundaries ay nagkabisa kasunod ng plebesito, kung saan mayorya ng mga botante ang inaprubahan ang batas.
Isinagawa ang plebesito noong January 21, 2019, saklaw ang mga lugar ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), kasama ang Isabela City sa Basilan at Cotabato City.
Sinundan ito ng isa pang plebesito noong Feb. 6, 2019, sa Lanao del Norte, piling munisipalidad sa North Cotabato, at iba pang lugar na gustong na nais na mapaloob sa BARMM.
Habang mayorya ng mga botante ng ARMM ang niratipikahan ang batas, tinanggihan ito ng mga botante ng Sulu.
Sa kabila nito, isinama ito sa BARMM, na nagbunsod upang maghain sila ng petisyon laban sa desisyon sa Supreme Court.