Patuloy ang ginagawang clearing operation sa bumibigay at lumulubog na bahagi ng kalsada sa Quibal, Peñablanca, Cagayan.

Sinabi ni Marc Kevin Aguisanda, Maintenance Point Person ng Department of Public Works and Highways Region 2, sarado pa ang nasabing bahagi ng kalsada na halos limang metro na ang lumubog.

Ayon sa kanya na sisikapin nilang mabuksan ang one lane ng nasabing kalsada bukas.

Sinabi niya na ang pansamantalang remedyo na kanilang ginagawa ay ang paglalagay ng backfill at mga graba.

Ayon kay Aguisanda, sinabi ng mga residente na matagal na ang nasabing problema at mas lalo itong lumala bunsod ng ilang araw na mga pag-uulan kamakailan.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi ni Aguinsanda na may pumunta na mga kawani ng DPWH Region 2 sa nasabing daan ay nagsagawa ng assessment, at hinihintay nila kung ano ang mga suhestion para maayos ang nasabing problema.

Dahil dito, sarado ngayon ang Callao caves, isa sa pook pasyalan sa Peñablanca, dahil ito lamang ang daanan papunta sa nasabing lugar.