Sumiklab ang sunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office sa Cordillera Administrative Region (CAR) nitong Miyerkules ng hapon.

Kinumpirma ng DPWH ang insidente sa isang pahayag, at sinabing agad na naapula ang apoy at ligtas na ang lugar.

Wala umanong nasaktan o nasugatan na empleyado ng ahensiya.

Ayon sa paunang pagtataya ng Bureau of Fire Protection (BFP), humigit-kumulang dalawang metro kuwadrado lamang ng regional office ang naapektuhan ng sunog.

Dagdag pa ng DPWH, nakikipag-ugnayan na sila sa BFP at sa pamahalaang lungsod ng Baguio upang magsagawa ng agarang at masusing imbestigasyon sa sanhi ng insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Mas maaga nitong Miyerkules, iniulat ng Public Information Office ng Baguio City sa Facebook ang isang structural fire sa DPWH–CAR Office bandang 5:00 ng hapon.

Tuluyang naapula ang apoy dakong 5:43 ng hapon.