
Isang sunog ang sumiklab kaninang umaga sa isang residential house sa Bassig St., Ugac Norte, Tuguegarao City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naiwan na nakasinding kandila sa altar ang itinuturing na posibleng sanhi ng sunog.
Nagsimula ang sunog bandang 10:15 ng umaga at agad itong nirespondehan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Tuguegarao City, katuwang ang Philippine National Police (PNP), at barangay officials.
Ideklarang fire out ang sunog bandang 10:40 ng umaga.
Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ang totoong sanhi ng sunog at kung magkano kabuuang halaga ng pinsala.
-- ADVERTISEMENT --










