Sumiklab ang sunog sa workers’ barracks sa loob ng Batasang Pambansa sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ayon sa Quezon City Fire District, nagsimula ang sunog kaninang umaga at agad naman itong naapula matapos umabot lamang sa first alarm.

Batay sa ulat, ang nasunog na barracks na yari sa light materials ay matatagpuan sa bahaging malayo sa pangunahing gusali ng House of Representatives.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.