Inaasahan na lalo pang lalakas ang super typhoon Nando at maydudulot ito ng banta sa buhay at ari-arian habang lumalapit ito sa Babuyan Islands.

Huling namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa 110 kilometer Silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 215 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 265 km/h.

Kumikilos ito ng pa-Kanluran sa bilis na 20 km/h.

Nakataas ngayon ang signal no. 5 Babuyan Islands, habang signal no. 4 sa southern portion of Batanes (Basco, Mahatao, Ivana, Uyugan, Sabtang) , northern of mainland Cagayan (Santa Ana, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Camalaniugan), northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Burgos, Bangui, Dumalneg, Adams).

-- ADVERTISEMENT --

Signal no. 3 sa nalalabing bahagi ng Batanes, central portion of mainland Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Alcala, Santo Niño, Lasam, Allacapan, Rizal, Amulung, Piat), northern at central portions of Apayao (Flora, Santa Marcela, Pudtol, Luna, Calanasan, Kabugao), at nalalabing bahagi ng Ilocos Norte.

Signal no. 2 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, nalalabing bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion of Benguet (Mankayan, Buguias, Bakun, Kibungan), northeastern portion of Nueva Vizcaya (Diadi) , Ilocos Sur, at northern portion of La Union (Sudipen, Bangar, Luna, Balaoan, Santol).

Signal no. 1 sa Quirino, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, at northern portion of Quezon (General Nakar) kabilang ang Polillo Islands.

Asahan ang malalakas na pag-ulan dahil kay Nando at Southwest Monsoon.

Ibinabala din ang matataas na mga alon na hanggang 14 meters sa karagatan ng Batanes at Babuyan Islands, 12 meters sa karagatan ng Ilocos Norte, hanggang 10 meters sa northern seaboard ng mainland Cagayan, at ang nalalabing seaboards ng Ilocos Norte; hanggang 8 meyers sa northwestern seaboard ng Ilocos Sur, at ang nalalabing seaboards ng mainland Cagayan.

Dahil dito, mapanganib ang paglalayag ng anomang uri ng sasakyang pandagat.

Patuloy ang pagkilos ni Nando pa-westward patungong Babuyan Islands.

Sa forecast track, ang sentro ni Nando ay posibleng papalapit o mag-landfall sa Babuyan Islands ngayong tanghali o mamayang hapon ngayong araw na ito.

Posibleng lalabas ng Philippine Area or Responsibility si Nando bukas ng umaga, Sept. 23.

Mananatili ang lakas o lalo pang lalakas si Nando habang papalapit ito sa Babuyan Islands.