
Patuloy na binabantayan ang Super Typhoon Bavi habang nasa Karagatang Pasipiko at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Martes ng gabi o madaling araw ng Miyerkules, kung saan tatawagin na itong Inday.
Kalagayan ng Bagyo (As of 10:00 a.m., July 6, 2026):
• Lokasyon: 2,215 km silangan ng timog-silangang Luzon (labas ng PAR)
• Lakas ng hangin: 205 kph
• Pagbugso: hanggang 250 kph
• Kumikilos pakanlurang-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph
Kung hindi magbabago ng direksiyon posibleng lumakas pa ang Super Typhoon Bavi at umabot sa 215 kph bago pumasok sa PAR.
Pagpasok sa PAR, inaasahang unti-unti itong hihina ngunit mananatiling isang super typhoon habang kumikilos patungo sa Ryukyu Islands ng southern Japan.
Nananatiling wala pa ring inaasahang landfall sa Pilipinas, ngunit lalapit ito sa Batanes sa Biyernes bago tumungo sa silangan ng Taiwan at tuluyang lumabas ng PAR sa Sabado.
Posibleng magsimulang magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals sa hilaga at silangang bahagi ng Northern Luzon simula Martes ng gabi. Kung lalawak pa ang sakop ng bagyo, maaari ring makaranas ng wind signals ang silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.
Signal No. 2 o Signal No. 3 ang kasalukuyang pinakamataas na posibleng maitaas dahil sa bagyo.
Inaasahang babalik ang Habagat simula Martes o Miyerkules, na magdadala ng malalakas na bugso ng hangin.
Mula Huwebes, lalo pang palalakasin ng Super Typhoon Bavi ang Habagat.
Pinakamalalakas na pag-ulan ay posibleng maranasan mula Biyernes hanggang Linggo sa Negros, WesternVisayas, MIMAROPA, MetroManila, CALABARZON, CentralLuzon, IlocosRegion, kanlurang bahagi ng Cordillera, at CagayanValley.




