Inaasahan na magbabagsak ang super typhoon Leon ng mahigit sa 200 millimeters na ulan sa Batanes at Cagayan, maging sa Babuyan Islands ngayong araw na ito.

Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang 200 millimeter na ulan sa Batanes at Babuyan Islands ay posible dahil sa malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Una rito, tinaya ng Pagasa na lalapit ang bagyong Leon sa Batanes bukas ng umaga o hapon, at hindi rin inaalis ang posibilidad na ito ay mag-landfall sa nasabing lalawigan.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa Batanes at sa eastern portion ng Babuyan Islands dahil sa sama ng panahon.

Samantala, asahan din ang moderate to heavy na ulan na mula 50 hanggang 100 millimeters sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Benguet, La Union, Pangasinan, Calamian Islands, Occidental Mindoro at Antique.

-- ADVERTISEMENT --