Bahagya pang lumalakas ang hangin na dala nang SUPER TYPHOON Nando na pumapalo na sa 195kph at pagbugso naman na 240kph.

Namataan ang mata nito alas 3:00pm ngayong hapon 545 kilometers silangan nang Sta Ana, Cagayan at kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15kph.

Inaasahan na babaybayin nito ang mainit na katubigan ng Philippine Sea at mag-iipon pa ng lakas bago ang pagtama o pagdaan nito sa Batanes- Babuyan Islands bukas ng hapon o gabi.

Pinapayuhan ang mga residente partikular sa Northern Luzon at Extreme Northern Luzon na paghandaan ang inaasahang direkta at malawakang epekto nang bagyo habang may kalayuan pa ito.