Napanatili ni super typhoon Ofel ang lakas nito at nagbabanta ito sa Cagayan Valley Region.
Inaasahan na magdudulot ng matinding impact ang bagyo dahil sa dala nitong malalakas na hangin sa mga lugar na nakataas ang wind signal number 5.
Nakataas ngayon ang signal number 5 sa bayan ng Santa Ana at Gonzaga, Cagayan.
Tinaya na makakaranas ang nasabing mga lugar ng malalakas na hangin na mahigit 185 km/h na inaasahan sa loob ng 12 oras.
Signal number 4 sa southeastern portion of Babuyan Islands (Camiguin Is.), sa northern at eastern portions of mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, PeƱablanca) at ang northeastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)
Signal no. 3 sa nalalabing bahagi ng Islands, nalalabing bahagi ng Cagayan, ang northern, central, at southeastern portions of Isabela (San Pablo, Delfin Albano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue), ang northern portion of Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao), ang northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg).
Signal no. 2 sa Batanes, ang western at southern portions of Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, Angadanan, Alicia, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Mateo, San Isidro), ang northeastern portion of Quirino (Maddela), nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, ang northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), ang eastern portion of Mountain Province (Paracelis), ang eastern portion of Ifugao (Alfonso Lista), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at ang northern portion of Aurora (Dilasag).
Signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, nalalabing bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Mountain Province, nalalabing bahagi ng Ifugao, nalalabing bahagi ng Abra, ang northern portion of Benguet (Bokod, Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay), Ilocos Sur, ang northern portion of La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, San Gabriel, Bagulin, Bacnotan, Balaoan, San Juan), ang northern at central portions of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis).
Namataan ang sentro ng mata ng super typhoon Ofel sa 135 km Northeast ng Echague, Isabela, at ito ay kumikilos sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 185 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 230 km/h.