Nagpapatuloy ang napakasungit na panahon sa hilagang bahagi ng Bicol Region dahil sa mabagal na pagkilos ng bagyong #PepitoPH.
Sa mga susunod na oras, mas susungit na ang panahon sa malaking bahagi ng Northern Luzon, Central Luzon, at CALABARZON, kabilang ang Metro Manila.
Kaninang 4:00 AM, ang mata ng bagyo ay namataan sa layong 85 km Northeast of Daet, Camarines Norte, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 185 km/h at pagbugsong aabot sa 255 km/h. Mabagal itong kumikilos West northwestward sa bilis na 15 km/h.
Inaasahang mapapanatili ng bagyo ang lakas nito at posibleng bahagyang lumakas pa sa mga susunod na oras, lalo na kung wala naman itong tatamaang malawak na kalupaan.
Ang lakas ng hangin ng isang SUPER TYPHOON ay maaaring 𝗺𝗮𝗴𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝘀𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗺𝗽𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝗮𝗸𝘁𝘂𝗿𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 sa mga lugar na direktang daraanan ng eyewall nito.
Kikilos pa hilagang kanluran ang bagyo at 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗯𝘂𝗸𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗻𝘁𝗿𝗼 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻-𝗔𝘂𝗿𝗼𝗿𝗮 𝗮𝗿𝗲𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹𝗶 𝗼 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 bago tawirin ang Central Luzon at katimugang mga bahagi ng Ilocos Region at CAR bago lumabas sa West Philippine Sea ng gabi.
𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 (𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀) 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 sa kalupaan ng Pilipinas.
Sa mga susunod na oras ngayong umaga, posibleng maramdaman na ang eyewall ng bagyo sa 𝗵𝗶𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 𝗮𝘁 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗹𝗹𝗼 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱𝘀.
Kung masusunod ang kasalukuyang track ng bagyo, tumataas ang posibilidad na 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗲𝘆𝗲𝘄𝗮𝗹𝗹 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 ang mga probinsya ng Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Benguet, La Union, Quirino, at Nueva Vizcaya.
Posible pang kumabig paitaas o paibaba ang bagyo, kaya manatiling alerto ang mga nasa Metro Manila, Rizal, Bataan, Zambales, Cavite, Laguna, Batangas, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Abra, at Isabela sa 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗴𝗶𝗽 𝗻𝗴 𝗲𝘆𝗲𝘄𝗮𝗹𝗹 o pinakamalalakas na ulan at hangin ng bagyo.
𝗠𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 (𝗵𝗲𝗮𝘃𝘆) 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗵𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝘂𝗹𝗮𝗻 (𝘁𝗼𝗿𝗿𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹) ang inaasahang mararanasan ngayong araw sa Quezon, Aurora, Camarines Sur, Camarines Norte, Nueva Vizcaya, Quirino, Catanduanes, Isabela, Nueva Ecija, Benguet, Pangasinan, Ifugao, La Union, Bulacan, at Rizal.
Hanggang sa malalakas at matinding mga pag-ulan rin ang posibleng maranasan sa Metro Manila, at nalalabing mga bahagi ng Central Luzon at CALABARZON. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝗻𝗮𝗮𝗹𝗶𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗺𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗳𝗼𝗿𝗲𝗰𝗮𝘀𝘁.
May banta pa rin ng 𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 𝘀𝘂𝗿𝗴𝗲 (𝗱𝗮𝗹𝘂𝘆𝗼𝗻𝗴) sa mga baybayin ng Ilocos Region (western coast), Isabela, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Marinduque, Bicol Region, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar ngayong araw.
𝗛𝗶𝗴𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝟯 𝗺𝗲𝘁𝗿𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 𝘀𝘂𝗿𝗴𝗲 ang inaasahan sa mga baybayin ng ALBAY, AURORA, CAMARINES NORTE, CAMARINES SUR, CATANDUANES, LA UNION, MASBATE, PANGASINAN, QUEZON, at SORSOGON. Ang ganito kalaking storm surge ay maaaring maging lubhang mapaminsala.