Posibleng maging super typhoon ang tropical depression sa hilagang-silangan ng Guam sa sandaling pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility, ayon sa US Joint Typhoon Warning Center (JWTC).

Sa forecast na inilbas ng 5 p.m. kahapon, sinabi ng JWTC, inaasahan na mabilis na lalakas ang nasabing sama ng panahon sa sandaling ito ay nasa Philippine Sea, kung saan paborable ang kundisyon para ito ay lalong lumakas.

Tatawagin ang bagyo na “Fabian” sa sandaling pumasok ito sa PAR.

Gayunpaman, nilinaw ng JTWC na mababa ang kanilang kumpiyansa sa intensity forecast pagkatapos ng tatlong araw.

Inilabas ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang kanilang unang babala para sa tropical depression kagabi.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng JMA na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang weather disturbance sa Lunes ng umaga at lalakas ito sa severe tropical storm.

Sinabi din ng PAGASA na ang sama ng panahon sa hilagang-silangan ng Guam ay lumakas sa tropical storm.

Huling namataan ang tropical cylone sa 2,585 km silangan ng extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa hanggang 80 kph habang kumikilos pa- Northwestward sa bilis na 15 kph.

Samantala, kasalukuyan pa ring minomonitor ang Low Pressure Area sa loob nh PAR, kung saan ito ay huling namataan sa layong 150 km Northwest of Bacnotan, La Union o 125 km West Southwest of Sinait, Ilocos Sur.