Matitinding pag-ulan at hanggang sa mapaminsalang hangin ang inaasahan sa mga susunod na oras sa Extreme Northern Luzon, partikular sa Batanes, dahil sa paglapit ng bagyong Leon (#Kongrey). Maulan at mahangin rin sa malaking bahagi pa ng Luzon at Visayas hanggang bukas.
𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡:
- Lokasyon ng sentro (4:00 PM): 215 km East of Basco, Batanes
- Lakas ng hangin malapit sa gitna: 185 km/h
- Pagbugso: 230 km/h
- Kasalukuyang pagkilos: Northwestward at 20 km/h
- Lawak ng malalakas na hangin: 600 km mula sa gitna
Ang sentro ng bagyong LEON ay malapit na sa Batanes-Babuyan area. Ang malawak na sirkulasyon at trough o extension ng mga kaulapan nito ay sakop na ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
May hanggang sa buhos na ulan (torrential) at malalakas hanggang sa mapaminsalang bugso ng hangin ang inaasahan sa Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, at Isabela.
Pinakadelikado ang panahon at posibleng pinakaramdam ang lakas ng bagyo sa Batanes mamayang gabi hanggang madaling araw.
May mga pag-uulan at pabugsu-bugsong may kalakasang hangin na rin sa Central Luzon, the rest of Ilocos Region, the rest of Cagayan Valley, at the rest of Cordillera Administrative Region.
Ang 𝘁𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗼 𝗲𝘅𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 nito ay patuloy na magdudulot ng halos maulap hanggang sa makulimlim na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan at pabugsu-bugsong katamtaman hanggang sa minsang malakas na hangin sa Metro Manila, Visayas, at nalalabing bahagi ng Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap at may tiyansa rin ng mga 𝗹𝗼𝗰𝗮𝗹𝗶𝘇𝗲𝗱 𝘁𝗵𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Hindi inaalis ang posibilidad na bahagya pang lumakas ang bagyo sa mga susunod na oras. Inaasahang Super Typhoon ito pagdaan malapit sa Batanes mamaya.
Patuloy na kikilos pa-hilagang kanluran ang bagyo at inaasahang pinakamalapit sa Extreme Northern Luzon, partikular sa Batanes at Babuyan Islands, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 (𝗛𝘂𝘄𝗲𝗯𝗲𝘀) 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮.
Tumataas ang posibilidad na mas dumikit o maglandfall ang bagyo sa 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗲𝘀.
Bukas ay inaasahang 𝗺𝗮𝘀𝘂𝗻𝗴𝗶𝘁 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗘𝘅𝘁𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻, partikular sa Batanes, Babuyan Islands, at hilagang mga bahagi ng Ilocos Norte, Cagayan, at Apayao.
Ang pinagsamang epekto ng sirkulasyon ng bagyo at trough nito ay patuloy na magdudulot ng mga 𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁-𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝘂-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Posibleng 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗹𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 partikular sa Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas.
𝗠𝗮𝘀 𝗸𝗮𝗹𝗺𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀 (𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭) sa malaking bahagi bansa, ganunpaman, posible pa rin ang mga pag-ulan dahil sa mga thunderstorm.