Unti-unti nang naibabalik ang suplay ng kuryente sa Northern Cagayan na nakaranas ng pagbaha at landslide dahil sa halos isang linggong pag-ulan.
Ayon kay Blandina Madamba, general manager ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO) 2, na kabuuang 64 Barangay ang pinutol ang suplay ng kuryente sa kasagsagan ng baha upang maiwasan ang sakuna.
Sa kasalukuyan, apat na Barangay na lamang ang hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente na matatagpuan sa bayan ng Abulug, Allacapan at Ballesteros dahil mataas pa ang tubig baha.
Samantala, minimal lamang ang naging pinsala ng pagbaha sa CAGELCO kung saan apat na poste ang pinalitan sa Sta Praxedes.