TUGUEGARAO CITY- May sapat na supply ng bigas sa lalawigan ng Cagayan  at Kalinga.

Sinabi ni Mariela Neriza Rios, branch manager ng National Food Authority Cagayan na mayroon silang 15 days na buffer stock ng bigas sa kanilang mga bodega.

Kaugnay nito, sinabi ni Rios na ang target nilang mabili na bigas ngayong taon ay isang milyong bags mula sa dati na kalahating milyon nitong 2020.

Sinabi niya na ang pagbili pa rin nila ng kada kilo ng palay ay P19  sa clean and dry dahil sa hindi pa inaaprubahan ng NFA council ang panukala na gawin itong P21.

Samantala, sinabi ni Rios na  nasa transition period pa lamang sila ngayon sa merging ng NFA Cagayan, Allacapan at Kalinga.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na abala sila ngayon sa pag-aayos ng kanilang mga dokumento at maging ng mga personnel.

Ayon sa kanya, ang merging ay epekto pa rin ng Rice Tarrification Law.