TUGUEGARAO CITY-Walang problema sa supply ng karne ng baboy ngayong holiday season.

Ito ang pahayag ni Undersecretary Ernesto Gonzales ng Department of Agriculture (DA)matapos maapektuhan ng African swine fever (ASF) ang mga alagang baboy sa ilang probinsiya sa bansa.

Ayon kay Gonzales, madami pa rin ang mga nag-aalaga ng baboy sakabila ng nasabing sakit kung kaya’t sapat ang supply nito sa merkado.

Pinawi rin ni Gonzales ang pangamba ng publiko na maaring apektado ng ASF ang mabibiling karne ng baboy.

Aniya, mahigpit ang kanilang monitoring lalo na sa mga lugar na apektado ng ASF tulad ng Bulacan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Gonzales na hindi pinapayagan ng kanilang himpilan na may makalabas na karne ng baboy o mga alagang baboy papunta sa ibang lalawigan mula sa Bulacan.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Gonzales ang publiko na tignan pa rin ang mga binibiling karne ng baboy at siguraduhing dumaan ito sa inspeksyon.