Nararamdaman na ng mga residente ng isla ng Itbayat sa Batanes ang epekto ng southwest monsoon o Habagat.

Ayon Nilda Salengua Garcia, Itbayat municipal planning and development officer at itinalagang municipal disaster risk reduction and management officer, nagkukulang na ang ilang basic commodities tulad ng bigas, mais, feed at iba pang mga produkto, dahil sa mahigit dalawang linggo nang sama ng panahon.

Nauubos na rin ang kanilang gasolina at diesel supplies.

Sinabi ni Garcia na nakatakda pa lamang na dumating sa Itbayat ang cargo ships at mga barko mula sa Basco at mainland Luzon.

Ayon sa kanya, hindi makabiyahe ang mga sasakyang pandagat dahil sa masamang panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Namahagi na rin ang Itbayat Municipal Social Welfare Office ng food packs sa mga residente na magtatagal ng isang linggo.

Sinabi ni Garcia, inihahanda na rin ng social welfare office ang pamamahagi muli ng food packs kung hindi pa darating ang mga supplies sa susunod linggo.

Ayon kay Garcia, na-isolate ang kanilang isla ng mahigit dalawang linggo na.

Idinagdag pa ni Garcia na marami ring estudyante ang stranded ngayon sa kanilang isla dahil sa masamang panahon dala ng Habagat.